10/18/14

Let's STOP in Chopstop: le Managers//

YEHEY! Muntik ng mag isang lingo bago ko pa ma post to..
Sorry naman..

Okay! Let's start this super hindi pinag planuhan night out with le Manager's:

Saturday night pagkatapos gawin ang mga dapat gawin.. Naisipang i chat si Aloysia (babaeng naka white) kasi aalis na siya papuntang Doha, Qatar :( sad pero ganun talaga kailangan mag ipon for more gimiks and gala hahaha joke lang :) so yun nag chat ako sa kanya kamustahan then sabi ko bukas kita kits tayo puntahan natin si Jean (babaeng naka orange) then sige go siya tinext ko naman si Sarip (yung lalake) go din siya kasi wala siyang pasok din the next day.. 

Ganun na nga ang nangyari.. Pagkatapos din ng lahat ng gawain nung sunday nag kita kita na din kami :) Laking pasasalamat ko sa free FB ng TM hindi ko na kailangan mag load para lang makipag meet sa mga friends ko hahahaha! (kuripot mode)

as you can see puro pictures lang namin, promise soon i upload ko yung mga foods na kinain namin grabe sobrang dami.. Salamat sa aming bless na kaibigan :)





but before we go picture muna :))


we will miss you Aloysia!!
God bless you!
We love you!
Read More

10/6/14

Story to tell: Places of September 2014//

First time to dito sa blog ko na ipakita sa inyo ang mga pinuntahan ko sa buong buwan ng September.. wala lang naisip ko lang i-share sa inyo kasi hindi ko kaya na ishare sa inyo yung araw-araw na pinupuntahan at ginagawa ko kaya monthly na lang.. and mejo busy na din kaya eto na ang una sa pag share ko ng mga lugar na napuntahan ko this month..

Hindi ko na matandaan kung ito yung first day ng september ko pero siguro nga kasi kasama siya dito sa album na to hahaha.. 
Okay tama na ang intro simulan na ang dal-dalan :)

Meeting at Makati 21st floor view..
hindi ko alam kung fog yun or pollution na..

after that Metropark naman.. 

eto na nga ang Family Mart get away ko hahaha.. 

Meeting again sa makati feeling ko kabisado ko na ang makati dahil ang buong September ko parang nandun lang ako.. 

eto ang pinaka gusto ko sa lahat if you want to see yung video na ginawa ko dito click here.
3 videos yan tingnan nyo lang kung gusto nyo lang naman :) 

Graciano's, late celebration namin sa birthday ni Papa Ketchap.. 

UTS, Dasma, for 2014 Children's Festival

Road trip with the girls..
Ate Alix for aour driver, Pastora, Teacher Arlen, Claud and moi..
On our way to SMX last day ng book fair.. 

may fireworks kasi kaso hindi na nakita..


2am at NAIA, hinatid si uncle Bert pauwi ng Canada..
ako si "SAMA"
parating kasama sa lahat nga gala :)

Finally, it's good to be back hahaha
Nagbago na ang lahat.. 
pero sa mabuting pag babago naman :) 

Rainy Makati.. 

on my way home.. gusto ko ng sumasakay sa van now a days.. kaso nakakainis pag ikaw yung unang pasahero ang tagal mo mag iintay mapuno.. pero okay lang mabilis naman :)

minsan kailangan din mag lakad para ma appreciate natin ang mga bagay bagay sa mundo.. 

Glorietta, nakakatuwa lang mag ikot ikot sa mga ganitong mall :)

om our way to uniwide para mamili ng mga gifts sa kids for children sunday :)

kung ganito kahaba at kadami ang naka pila sa grocery nakakatamad bumili,,

PUP Foundation Day, 
ang na unsyami kong paaralan.. dapat talaga dito ako mag aaral pero napag tanto ko ang layo pala at ang daming tao nakaka loka lang.. pero gusto ko pa din i-try..


Lucky China Town Mall, nakaka miss din dito lahat na ng CR nila may bayad na kakaiyak hahaha

dito talaga ako nag eenjoy sa mga traffic at ulan..

Nag papasalamat ako kay God kasi hindi niya ako pinababayaan sa mga gala, lakwatcha ko..
sa pag iingat at salahat..
sana magustohan nyo :)
God bless! 


Read More

FOOD AND DRINKS FOR THE MONTH OF: SEPTEMBER 2014//

End of the month na naman kaya eto na naman ako sa mga pagkaing nakain ko for this month.. 
Gusto ko lang i share sa inyo yung mga nakakain ko, baka gusto nyo din itry.. hindi ba :)
Okay tama na ulit ang daldal at intro magsimula na tayo :)

Frist time ko i try ang ice cream ng Family Mart yung Tea flavor ang dami ko ng nakikita sa IG na nag pipicture nun at muka namang masarap kaya nag try din ako.. #ingitera

hindi lang ice cream binili pati Smart C dahil feeling ko healthy drink siya hahaha..


Lengua galing sa manliligaw.. 
Ops! hindi sakin kay kuya hahaha Joke..
galing Baguio si Jm (kuya's high school friend)
ayun pasalubong para kay kuya pero ako lang ang kumain :)


Hot choco and hot cake ng Mcdo
For late breakfast and early lunch meeting meeting!!


My Breakfast in bed..
I know hindi maganda na hindi kumakain ng maayos sa umaga gulty ako jan,, 
wala kasi ako sa mood kumain pag umaga, hindi ko alam kung bakit..
Pero madalas masarap ang bawal :) 

Late celebration of Papa ketchap's birthday at Graciano's
Tamang tama, grand opening pa lang ng bagong store na to dito lang sa loob ng subdivision namin..
Ang saya lang tamang september foodtrip with Le family :) 





movie trip with my self.. Me time kuno pero na sa bahay lang..
Arizona Icetea and Chocolate Crinkles from Sta. Rosa Laguna.. 

Our favorite breakfast every sunday..
ham, cheez, egg, mayo sandwich!


Isang araw suweldo ng isang kapatid, nagtanong kung ano ang gusto namin.. 
Sabi ko pizza kasi mejo maulan nun kahit na walang konekta gusto ko lang ng pizza..
pero sabi naman ni mother earth ice cream daw..
pag dating ko kinabukasan nag bukas ako ng ref at nakita ko na may ice cream sa frizzer.. 
akala ko nung una isda lang kasi ganun naman parati pero ngayon iba ang nakita ko..
totoo nga Temptation ng Nestle..




at lagyan pa natin ng saging para healthy hahaha! 

when sakit-sakitan strike..
drink Calamansi..
Hindi ko alam kung kanino kinuha ko na lang sa ref pag may nag tanong na lang chaka ako aamin :)

I miss breadtalk!
wala lang masabi lang :)
Choco Tiger Roll

napansin ko lang ngayon as in ngayon lang nitong September puro sandwich ang nakakain ko..
Pero masarap naman talaga.. 
maslalo na ng ma try ko tong sa Pancake House tapos my fries pa.. SADAP!
at nag bigay talaga ng goodness sa akin hindi na ako nag dinner nung kumain ako nito..
Thank Mother earth!



and wait meron pang isang pasalubong..
Infinitea
all time fave ko, kasi malapit lang samin yung bilihan..
you know me tamad tamaran..
buti nga may dilivery na sila
nag try lang ako mag pa deliver,, HAHAHA!



milk tea and a good book! 

one prayer meeting night.. 
hindi ko alam ang tawag pero parang kohol siya pero sobrang sarap talaga..

Isang araw na padpad ako sa PUP at naabutan ng luch time kaya ayun hanap ng makakainan..
at dahil mainit ang panahon ng mga araw na yun nag try 
kami kasi buy 1 take one siya ng iced milk tea sa TeaZone.. 

Try lang ng try basta makakain at hindi mo sasayangin..



Read More