10/6/14

FOOD AND DRINKS FOR THE MONTH OF: SEPTEMBER 2014//

End of the month na naman kaya eto na naman ako sa mga pagkaing nakain ko for this month.. 
Gusto ko lang i share sa inyo yung mga nakakain ko, baka gusto nyo din itry.. hindi ba :)
Okay tama na ulit ang daldal at intro magsimula na tayo :)

Frist time ko i try ang ice cream ng Family Mart yung Tea flavor ang dami ko ng nakikita sa IG na nag pipicture nun at muka namang masarap kaya nag try din ako.. #ingitera

hindi lang ice cream binili pati Smart C dahil feeling ko healthy drink siya hahaha..


Lengua galing sa manliligaw.. 
Ops! hindi sakin kay kuya hahaha Joke..
galing Baguio si Jm (kuya's high school friend)
ayun pasalubong para kay kuya pero ako lang ang kumain :)


Hot choco and hot cake ng Mcdo
For late breakfast and early lunch meeting meeting!!


My Breakfast in bed..
I know hindi maganda na hindi kumakain ng maayos sa umaga gulty ako jan,, 
wala kasi ako sa mood kumain pag umaga, hindi ko alam kung bakit..
Pero madalas masarap ang bawal :) 

Late celebration of Papa ketchap's birthday at Graciano's
Tamang tama, grand opening pa lang ng bagong store na to dito lang sa loob ng subdivision namin..
Ang saya lang tamang september foodtrip with Le family :) 





movie trip with my self.. Me time kuno pero na sa bahay lang..
Arizona Icetea and Chocolate Crinkles from Sta. Rosa Laguna.. 

Our favorite breakfast every sunday..
ham, cheez, egg, mayo sandwich!


Isang araw suweldo ng isang kapatid, nagtanong kung ano ang gusto namin.. 
Sabi ko pizza kasi mejo maulan nun kahit na walang konekta gusto ko lang ng pizza..
pero sabi naman ni mother earth ice cream daw..
pag dating ko kinabukasan nag bukas ako ng ref at nakita ko na may ice cream sa frizzer.. 
akala ko nung una isda lang kasi ganun naman parati pero ngayon iba ang nakita ko..
totoo nga Temptation ng Nestle..




at lagyan pa natin ng saging para healthy hahaha! 

when sakit-sakitan strike..
drink Calamansi..
Hindi ko alam kung kanino kinuha ko na lang sa ref pag may nag tanong na lang chaka ako aamin :)

I miss breadtalk!
wala lang masabi lang :)
Choco Tiger Roll

napansin ko lang ngayon as in ngayon lang nitong September puro sandwich ang nakakain ko..
Pero masarap naman talaga.. 
maslalo na ng ma try ko tong sa Pancake House tapos my fries pa.. SADAP!
at nag bigay talaga ng goodness sa akin hindi na ako nag dinner nung kumain ako nito..
Thank Mother earth!



and wait meron pang isang pasalubong..
Infinitea
all time fave ko, kasi malapit lang samin yung bilihan..
you know me tamad tamaran..
buti nga may dilivery na sila
nag try lang ako mag pa deliver,, HAHAHA!



milk tea and a good book! 

one prayer meeting night.. 
hindi ko alam ang tawag pero parang kohol siya pero sobrang sarap talaga..

Isang araw na padpad ako sa PUP at naabutan ng luch time kaya ayun hanap ng makakainan..
at dahil mainit ang panahon ng mga araw na yun nag try 
kami kasi buy 1 take one siya ng iced milk tea sa TeaZone.. 

Try lang ng try basta makakain at hindi mo sasayangin..



0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento